
October 30, 2017
My first REAL boyfriend
Ilang beses na kong nagka boyfriend at sa bawat beses na yon puro ligwak ganern. Para bang lagi na lang akong malas sa pag-ibig. Hindi ko alam kung ako ba may kasalanan ng lahat o sa lalaki may problema eh.
So eto na nga nagkaroon ako ng boyfriend ngayon. Noong una parang hindi ko naman masyadong sineseryoso kasi ilang beses na kong nasaktan kaya parang nag aalinlangan pa ko. Pero nakita ko kung gaano siya ka pursigido na sagutin ko siya sinusundo niya ko araw-araw sa trabaho kasi nag summer job ako dati share ko lang. Tapos lahat na ata ng ka sweetan meron siya kaya naman nahulog na rin ako sa kanya. Pinaramdam niya sakin na kamahal mahal ako na kahit ganito lang ako tanggap niya kung sino at ano lang ako. Sa lahat ng bagay suportado niya ko sinasamahan niya ko sa lahat ng groupings at lakad na pupuntahan ko. Sobrang pinapasaya niya ko at ngayon patuloy niya parin akong minamahal at sana patuloy niya parin akong mahalin.
Ang iksi no basta masaya kami sa isa't isa nakakatamad na mag type eh.
So anong saysay ng pag confess ko dito na kahit ilang beses kang umasa, masaktan, mapaglaruan, mabalewala o kung anu ano pang masasakit na mangyari sayo darating yung time na may taong magmamahal sayo at gagamutin lahat ng sakit na iniwan sayo ng past relationship mo kung meron man.
Kaya sa mga kaibigan ko diyan na nasasaktan ngayon ako nagsasabi sa inyo hintayin niyo si God na bahala sa inyo ako nga ang tagal ko na palang kilala ngayon lang kami binigyan ni God ng spark kasi nga may tamang panahon.
Sa BF ko nga pala thankyou sa lahat :* I love you :* wag ka masyadong kiligin ah hahahahaha pag nabasa mo to kikiligin ka nanaman.
PS. 4 years na kami charot 4 months pa lang hahahaha pero sana forever na kami kahit wala daw ganon.
Queen mong maganda
◄
1 / 1
►